Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang ni Frank Cimatu

Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
ni Frank Cimatu

Sandaang
 Hakbang 
Papuntang 
Malakanyang.
Dala'ng
Nakabulang
Kartolinang
Nakapinta'ng
"Pamahalaang
 Suwapang,
Kinawawa'ng
Bayang 
Walang
Kamuwang-
Muwang!"
Nang
 Biglang
 Naalalang
Naiwang 
Nakasalang
Ang 
Sinigang
Sandaang 
Hakbang 
Papuntang 
Pahalang
Habang 
Nakikipilang
Makausisang'ng 
Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang 
Parang
Umilandang
Ang 
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ang 
Isang 
Awayang
Iisa'ng
Nakakalamang.
Ilang
Rumaragasang
Kapulisang
Sindarang
Ang 
Pulutang 
Maanghang,
Pinagbabatutan'ng
Magsasakang 
Nakadala'ng
Sundang.
Nagbubulagang
Peryodistang
Walang 
Kilnikilingang
Kumikinang
Hanggang 
Walang
Itinitimbang.
Ang 
Kasamang 
Kabataang
Pinuntang'ng
Sasakyang
Nagmamangwang,
Nagsisigawang:
"Tang
Inang'...
Pimompiyang
Habang 
Ginigisa'ng
Paratang.
Nanghihinayang 
Ang
Makatang
Walang 
Natadyakang
Makapangyarihang
Sakang.
Walang 
Kaganang-
Ganang
Nakiangklang
Papuntang 
Alabang
Hanggang 
Maabutang
Inuwiang 
Sinigang
Nagmistulang 
Kamanyang



PAMAGAT

  • "Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang"


MAY-AKDA

  • Frank Cimatu

URI NG PANITIKAN

  • Tula
BUHAY NG MAY-AKDA

Bilinggwal na makata at mamahayag sa Philippine daily Philippine Daily Inquirer mula noong 1993. Ang kanyang mga tula ay nalimbag sa iba't ibang mga magasin at nanalo ng mga parangal.


Pagsusuri sa tula ni: Joi Barrios 
"Sandaang Hakbang Patungong Malakanyang"

TEORYA

     Ang tulang ito ay kabilang sa Teoryang Historikal na may kaugnay sa pamahalaan noon ng bansang Pilipinas sa panahon ni dating Panguong Marcos  at  Teoryang Imahismo dahil sa larawang-diwa o imahe na binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa maari din Teoryang Realismo dahil nagpapakita ito ng kaganapn na nangyari mismo sa may akda kaya niya ito nasulat na ang pamahalaan ay malupit.

TEMA

  • Kabulukan ng pamahalaan at ang walang kalaban-labang mga taong pinamumunuan nito.

PERSONA


  • Magsasakang rayilista na walang kalaban-laban sa pamahalaan.



SUKAT at SAKNONG

  • Malayang Taludturan ang tulang Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang wala itong sukat at saknong.

TUGMA
  • Ang tulang Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang ay tulang may tugmang di-ganap na nasa ikalwang-lipon sapagkat ang huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod ay nagtatapos sa "ng".
KARIKTAN

  • Hinahambalang-Hinaharang
  • Walang Itinitimbang-Walang kinikilingan


TONO

Sa tulang ito pinakikita kung anong klase ng gobyerno o lipunanang mayroon at ito ay puno ng rally at kaguluhan.


MENSAHE

  • Walang kalaban-labang mga raliyista dahil ang kalaban nila ay ang pamahalaan.



TAYUTAY

Pagpapalit-tawag

  • Walang natadyakang makapangyarihang sakang.

Pagtutulad
  • Inuwiang sinigang nagmistulang kamanyang




















Mga Komento

Mag-post ng isang Komento