Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon ni Pedro L. Ricarte
Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon
Pedro L. Ricarte
May bakas pa sa tubig ang mga pinitak
Ang mga huling silahis ng nakalubog ng araw.
Hindi na sana siya nag-araro pa,
Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
Ang lupang itong ipinagbili na ng may-ari
Sa isang malaking korporasyon ng mga dayuhan.
Ang bakita ko'y bilyon ang ininayad,
At may makakapart daw siyang isang libo.
Nasisiyahan na siya. Siya nama'y kasama lamang.
Sobra pa marahil sa kanya ang tataggaping pera.
Balo na siya, walang anak, walang bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyan buhay?
Pero dito na siya tumanda sa lupang itong
Sinaka pa ng kanyang ama at magulang niyon.
Tumanaw siya sa gawing silangan;
Kaylawak ng lupang itong pinagyayaman
Ng marami pang katulad niya
Ngunit ipinagbibili na ng may-ari.
May mga bukid na nasimulan ng tambakan,
Pero umaagos sa mga padaluyan
Ang patubig ng gobyerno.
Wala siyang namumuwangan sa kabuhayanng-bansa;
Hindi niya kayang gagapin kung bakit at paano
Nadarama lamang niya ang malaking panghihinayang,
Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain
Na kaygandang pagmasdan, kay timyas bungkalin!
PAMAGAT
- Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon
MAY-AKDA
- Pedro L. Ricarte
BUHAY NG MAY-AKDA
Si Pedro L Ricarte ay isang kwentista, mananaysay, mandudula, manunuri at makata.Kasalukuyan isang freelance writer, siya ay nabilang sa patnugutan ng Liwayway sa loob ngsampung taon. ang kanyang kaalaman sa pagsusulat ay kanyang naibahagi sa mga mag-aaral ng LCBA Graduate School sa Calamba, De la SalleUniversity-Manila, Don Bosco at ibangUniversity.
Si Pedro Ricarte ang nagsabi kay Alejandro Abadilla na siya ang “Ama ng MakabagongTulang Tagalog”
. Si Ricarte ay isa sa mga mayroong pinakamatatalas na pag-iisip kaya masasabidin na siya ay isang kritiko ng ibang mga Pilipinong manunula.Naging kilala si Pedro Ricarte noong 1950 -1960’s.
Ang ilan sa kanyang mga naisulat ay:
- Boy Nicolas
- Siyam na Langit (1962)
- Samahang Siyete
- Aawitan kita
- Ala-Suwerte (1959)
- Hindi Natutulog ang Diyos (1960-1961)
- Lagablab sa Silangan (1961)at iba pang mga maikling istorya at nobela.
Pagsusuri sa tula ni: Pedro L. Ricarte
"Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon"
URI NG PANITIKAN
URI NG PANITIKAN
- Tula
TEORYA
Ang tulang ito ay Teoryang Imahismo na nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
TEMA
- Panghihinayang sa dating lupang sakahan na ngayon ay wala na at ginawan ng proyekto ng gobyerno.
SUKAT
- Malayang Taludturan dahil walang sinusunod na sukat at hindi sinasa alang alang ang tugma sa bawat taludtod.
- Ang tulang Mapanglawa ang mga ilaw sa calabarzon ay walang tugma.
TONO
Kalungkutan sa pagkawala unti-unti ng mga lupang sakahan.
MENSAHE
- Dahil sa dami na ng mga proyektong pang gobyerno nawawala na ng trabaho ang mga magsasaka nawawala na ang kanilang lupang sakahan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento