Ang Babae sa Pagdaralita ni Joi barrios
Ang Babae sa Pagdaralita
ni Joi Barrios
Babae akong sinasaklmal ng kahirapan.
Kahirapan na mistulang
ahas sa damuhan,
Maliksi ang galaw,
nagbabadya ang nakasangang dila,
makamandag ang kagat.
Pumupulupot ang ulupong,
itong paghihikahos, sa aking katawan,
at tumatakas ang lakas,
Nakatilig ang walang talukap
na mga mata ng sawa,
Nanlilisik,
pagkat batid na walang palya
sa paghatid ng lason
ang pangil ng pagdaralita.
Anong gagawin ng babae
sa kanyang karukhaan?
Tumawag kaya kay Darna?
Lipad, Darna, Lipad?
Kristala, Kristala, kami ay iligtas!
Zsazsa Zaturnah,
Palayain kami Mama!
Huwag, huwag.
Ang paglaya sa hirap,
ay wala sa bayani ng pantasya.
Nasa ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na lumalaban
at nag-aaruga,
Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
ang ating pag-ibig,
Sulong at makibaka!
Tagpasin ang ulo ng sawa!
Ang kahirapan ay maiigpawan
Kung ipaglalaban, ang pagbawi,
ang pag-angking muli,
sa yaman ng bayan.
ay ating karapatan.
Sulong,makibaka,lumaban!
PAMAGAT
- Ang Babae sa Pagdaralita
MAY-AKDA
- Maria Josephine Barrios "Joi Barrios"
BUHAY NG MAY-AKDA
Mas kilala bilang Joi Barrios sa kanyang mga akda, si Maria Josephine Barrios ay ipinanganak noong Hunyo 26, 1962 sa Lungsod Quezon. Nakamit niya ang kanyang doktorado sa Filipino (Literature) sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1998. Kilala rin si Barrios bilang isang makata, aktibista, tagasulat ng senaryo, artista, translator at guro. Sa kasalukuyan ay isa siyang visiting professorsa Philippine Studies Program ng Osaka University of Foreign Studies at kasapi rin siya ng Congress of Teachers and Educators for Nationalism and Democracy
Pagsusuri sa tula ni: Joi Barrios
TEMA
SUKAT, TUGMA AT SAKNONG
TONO
Nakikiusap na itigil ang pagturing sa mga kababaihan na isang mababang uri ng nilalang at ipakita ng bawat kababaihan na sila ay kayang lumaban.
MENSAHE
TAYUTAY
Pagsasatao
"Ang Babae sa Pagdaralita"
TEORYA
TEORYA
Ang tulang ito ay kabilang sa Teoryang Feminismo na ang layunin ng tulang ito ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
TEMA
- Ang tula ay tungkol sa kung ano ang kalagayang panlipunan ng isang babae sa Pilipinas.
SUKAT, TUGMA AT SAKNONG
- Malayang Taludturan
KARIKTAN
- Paghihikahos-Paghihirap
- Maiigpawan - Malunasan/Makaahon sa Kahirapan
- Pakikibaka-Pakikipagsapalaran/Pakikipaglaban sa isang sitwasyon, mga paniniwala o sa mga tao
- Pagdaralita-Kahirapan
TONO
Nakikiusap na itigil ang pagturing sa mga kababaihan na isang mababang uri ng nilalang at ipakita ng bawat kababaihan na sila ay kayang lumaban.
MENSAHE
- Ang babae ay nararapat na alagaan,mahalin at tratuhin ng may halaga at paggalang at pantay sa sinuman. Malaking bahagi ang ginagampanan ng babae sa buhay, hindi lamang siya pangalawa sa pagsasaalang-alang sa mga bagay, siya ay kasama,katuwang at kasalo sa lahat ng bagay.
TAYUTAY
Pagsasatao
- Babae akong sinasaklmal ng kahirapan.
- Ang pangil ng pagdaralita.
Pagtutulad
- Kahirapan na mistulang ahas sa damuhan.
Pagmamalabis
- Kung paanong sa gabi at sa araw ay wala tayong humpay sa paggawa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento